Para Sayo (alam mo na kung sino ka)
Wednesday, March 14, 201210:11 PM
Sa lalaking mahal ko, congratulations. I'm so proud of you. Alam ko namang kaya mo yan eh. Kasi magaling ka. Hindi ako nawalan ng tiwala sayo. Sayang nga lang, hindi ko to nasabi sayo ngayong araw na to. Gusto sana kitang lapitan kanina. Kaya lang marami nang bumabati. Ayoko ko nang ipagsiksikan pa yung sarili ko. Pero alam mo, sobrang masaya para sa yo. Hindi ko na masasabi hah? Pero sobrang proud ako sayo. At kahit na may mga imperfections ka man, proud parin ako sayo.
Alam mo, kanina, gustong gusto kitang yakapin. Gustong gusto kong sabihin sayo na ang galing galing mo. Gusto ko lapitan ka. Gusto kong hawakan yung kamay mo. Gusto ko maramdaman mo na masaya ko para sayo. Gusto ko maramdaman mo na yung mga luha ko para sayo. Kasi sobrang saya ko para sayo. Kaya lang hindi pwede eh. Kasi hindi naman tayo close. Kahit na gusto kitang lapitan, baka ma awkward ka lang. Sorry hah. Kung may lakas lang ako ng loob, gagawin ko yun.
Alam ko naman hindi ako yung hinihintay mo magcongratulate sayo. And my words wouldn't be important. Pero ganun talaga. Tanggap ko yun. Epal lang ako ngayon kasi medyo emotional. Congrats pare haha. Marami pa kong gustong sabihin pero ipagpapasa Diyos ko nalang. Basta sana malaman mo na okay ako. Lalo na ikaw. Malayo ang mararating mo. Maraming may tiwala sayo. Sana mahanap mo narin yung taong magmamahal sayo at mamahalin mo rin. Maging successful ka sa life, maging safe ka palagi. Maging okay lang, ayos na sakin. Salamat sa lahat. Atsaka, yun mahal kita.
Labels: avcv